Suko na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong ng federalismo.
Sa kanyang naging talumpati sa oath taking ng mga lokal na opisyal na miyembro ng Hugpong ng Pagbabago sa Malakanyang, sinabi ni Pangulong Duterte na tanggap niya nang hindi na mangyayari sa kanyang administrasyon ang pagpapalit ng porma ng gobyerno sa federal.
Gayunman, iginiit pa rin nito ang pagkakaroon ng Cha-Cha o pag-amyenda sa 1987 Constitution para makamit aniya ng bansa ang tunay na pagbabago.
Magugunitang isa ang federalismo sa mga plataporma ni Pangulong Duterte sa kampanya noong 2016 presidential election.