Tuloy ang rally ng mga supporter ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Sabado sa Luneta.
Iginiit ng supporters ni Duterte ang paglahok ng publiko sa tinagurian nitong Million People’s Call para himukin ang alkalde na tumakbo sa 2016 elections.
Sakaling hindi makapunta sa Luneta, hinimok ng Duterte supporters na magtali ng pula, asul, puti at dilaw na laso sa mga sasakyan para iparamdam ang panawagan sa alkalde na tumuloy na sa 2016.
Una nang pinatitigil ni Duterte ang kaniyang supporters sa pagsasagawa ng nasabing rally matapos ihayag na hindi siya papalaot sa 2016 Presidential Elections.
By Judith Larino