Tila nagsilbi pang tagapagsalita ng China ang Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag na aksidente sa karagatan ang pagkakabangga ng isang Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipinong mangingisda.
Ayon ito kay Bayan Muna party-list representative Carlos Isagani Zarate na nagsabi ring posibleng tumindi pa ang pambubully ng Chinese fishermen sa mga Pilipino sa West Philippine Sea dahil sa nasabing pahayag ng pangulo.
Inihayag pa ni Zarate na ang pangmamaliit ng pangulo sa nasabing insidente sa karagatang sakop pa ng Pilipinas ay pagsuko o pagpapawalang sala sa mga sangkot na Chinese fishermen.
Sinusubukan lamang aniya ng China kung papalag ang mga Pilipino sa kanilang pinakahuling pambubully.
Magugunitang sinabi ng pangulo na isang little maritime accident ang naturang banggaan.