Tila pinalakas lamang ni Pangulong Rodirgo Duterte ang loob ng China sa pag-aangkin nito ng mga teritoryo sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Ito ang paniniwala ni dating Senador Sergio Osmeña III matapos aminin mismo ng Pangulo na nagpaalam siya sa China para makapaglayag ang mga mangingisdang Pinoy sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal.
Ayon kay Osmeña, minaliit at tila ibinasura lamang ng Pangulo ang naging tagumpay ng Pilipinas sa inihain nitong kaso laban sa China sa International Permanent Court of Arbitration sa the Hague Netherlands.
Hindi rin dapat naki-usap ang Pangulong Duterte sa China na tila aniya nagmamaka-awa para makapangisda sa nasabing bahura gayung malinaw naman na sakop ito ng 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas batay sa isinasaad ng UN Convention of the Law of the Sea.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno