Tinaningan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang DOLE para makapagbigay ng rekomendasyon kaugnay sa Security of Tenure bill.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mayroon sila hanggang Lunes para pag-aralan ang lahat ng mga probisyon ng panukala bago ito ilatag sa pangulo.
Kasabay nito, binigyang diin ni Bello na hindi nangangahulugan nang pagtalikod sa kaniyang pangakong wakasan ang ‘endo’ ang pag-veto ng pangulo sa Security of Tenure bill.
Nais lamang aniyang makatiyak ng pangulo na ang maipapasang batas ay tunay na magiging kapaki-pakinabang at papabor sa mga manggagawa habang binibigyan naman ng kunsiderasyon ang mga nasa business sector.
Sinabi ni Bello na ito rin ang dahilan kaya’t nagpatawag ng LEDC meeting ang pangulo para hindi na maulit ang pangyayari sa nakalipas na pagveto ng pangulo sa isang panukala.
with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)