Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makakatakas ang mga lumalabag sa batas, partikular tungkol sa kwestiyonableng kontrata ng tubig na pinasok ng gobyerno sa Maynilad at Manila Water.
Sa kaniyang talumpati sa mass oathtaking sa Malakaniyang ng mga bagong opisyal ng gobyerno, sinabi ng pangulo na walang katiyakang hindi mahaharap sa mga kaso ang mga may-ari ng dalawang water concessionaire dahil sa umano’y pandedehado sa mga Pilipino.
Banta pa ng pangulo, sakaling magtangkang tumakas ang mga ito ay hindi na makakabalik pa ng Pilipinas at magiging ‘wanted’ na sila habang buhay.
Giit ng pangulo, malinaw na may nangyaring sabwatan sa pagitan ng mga abogado ng gobyerno at abogado ng Maynilad at Manila Water para lokohin ang gobyerno at publiko.