Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo sa national level ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sa kanyang naging talumpati sa anibersaryo ng National Intelligence Coordinating Agency sa PICC kahapon, sinabi ng Pangulo na pabor siyang magkaroon ng isang anti–political dynasty law.
“I am in favor of putting up… a dynasty law. I am okay with that. I have no problem.”
“Ang anak ko, si Inday, I can tell you I know her. Hindi magtatakbo ‘yan ng national. Ganun lang ‘yan.” Pahayag ng Pangulo
Matatandaang sa pinakahuling survey ng pulse asia, nasa ikatlo hanggang ikalimang puwesto sa senatorial survey ang alkalde.
—-