Dapat nang matuldukan ang illegal mining na sanhi ng pagkasira ng kalikasan at landslides na nagresulta sa pagbubuwis ng maraming buhay.
Ito ang ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso matapos manalasa Ang Bagyong Ompong sa Northern at Central Luzon.
Sa press briefing sa provincial capitol sa La Trinidad, Benguet, inihayag ni Pangulong Duterte na maaari lamang matigil ang labis na pagmimina kung i-re-repeal ng Kongreso ang Philippine Mining Act.
“To end mining, it is Congress will have to abrogate the law.” Pahayag ni Duterte.
Isinisi rin ng punong ehekutibo sa mining industry ang landslides na naranasan sa Itogon, Benguet kung saan halos 70 na ang nasawi.
“It has not contributed anything substantial to the national economy though I must admit we earn about P70 billion a year. And if you’re ready to accept that as a profit let us make it simple for the country. But in the end, how much do you lose in the process?” Ani Duterte.