Pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinuno ng Jordan na si King Abdullah II Bin Al-Hussein.
Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Jordan, pinasalamatan ng pangulo ang Hari ng Jordan sa mabuting pagtrato ng kanilang bansa sa mga manggagawang Pinoy duon.
Hindi naitago ng pangulo ang kanyang paghanga sa mabuting kalooban at isang salita ni King Abdullah II.
Sinabi ng pangulo na kabilang sa mga natalakay nila ng Hari ng Jordan ang kapakanan ng undocumented Filipino workers sa naturang bansa.
“Bakit ako pumunta dito? Well of course, First to make a historic visit to the Kingdom of Jordan. Si King Abdullah he’s a very good guy so I have nothing but praises for him, he has a human soul. Kaya matagal kami nag-usap about you, napag-usapan lang namin is yung undocumented people.” Pahayag ni Duterte.
Samantala, inatasan naman ni Pangulong Duterte si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano natutukan ang problema ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Jordan.