Nakatanggap ng tawag mula kay US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, Linggo, ika-19 ng Abril.
Ito, ayon kay Senador Bong Go, ay upang pag-usapan ng dalawang pinuno ang bilateral cooperation sa pagitan ng Amerika at Pilipinas hinggil sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nagtagal umano ng 18-minuto ang pag-uusap ng dalawa, kagabi.
Samantala, sa ngayon ay ang US na ang may pinakaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo habang pumapangalawa naman ang Pilipinas sa COVID-19 cases sa Southeast Asia.
Magugunita rin na sa nakaraang public address ni Pangulong Duterte ay inakusahan nito ang US na isa sa mga nagdudulot ng problema sa bansa dahil sa pang-aakit nito sa mga Pinoy healthcare workers na mag-trabaho sa Amerika dahil umano sa malaking pasahod.