Tuluyan nang ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure bill o kilala rin sa tawag na ‘anti-endo bill’.
BREAKING: Pangulong Rodrigo Duterte ivineto ang Security of Tenure bill ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo pic.twitter.com/nYYZoqe7HC
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 26, 2019
Nakatakda na sanang maging batas ang Security of Tenure bill bukas, July 27, kung hindi ito inaksyunan ng pangulo.
Ang panukalang batas sana ang tatapos sa matagal nang problema ng mga manggagawa hinggil sa nakagawiang end of contract practice sa mga kumpanya.
Una nang napaulat ang pagveto ng pangulo sa anti-endo bill kahapon subalit binawi ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bago maghatinggabi.
Naging pinal ngang kasagutan ngayon ni Panelo, hindi na isasabatas ng pangulo ang anti-endo bill.