Walang kakaiba sa naging pagpupulong nila Pangulong Rodrigo Duterte at US Ambassador to the Philippines Sung Kim.
Iyan ang ipinahiwatig ng pangulo matapos na tumanggi itong idetalye ang naging laman ng kanilang pag-uusap sa pagbisita nito sa palasyo ng Malakanyang.
Nangyari ang nasabing pulong makaraang tumanggi ang pangulo sa alok ng Estados unidos na F-16 fighter jets na bibilhin ng Pilipinas.
Magugunitang sa tweet ng kinatawan ng Amerika, sinabi nitong naging maganda at mabunga ang kanilang pag-uusap ng pangulo kung saan, tinalakay umano ang shared goals ng dalawang bansa sa ekonomiya at defense.
Pero sa panig ng pangulo, ayaw niyang sumuway sa protocol kaya’t hihintayin niya ang permiso mula sa opisyal bago isiwalat ang kanilang napagpulungan.