Tinanggihan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang umano’y alok ni Vice-President Jejomar Binay na maging running mate niya sa 2016 elections.
Bagama’t nagpasalamat sa offer ni Binay, muling nanindigan si Duterte na hindi siya tatakbo sa anumang national position.
Matatandaang hindi rin tinanggap ni Duterte ang inalok noon na posisyon nina dating Pangulong Fidel Ramos at Joseph Estrada.
Samantala, “Magsipagtabaan ang mga isda sa Manila Bay dahil doon ko itatapon ang mga criminal”!
Ito ang banta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sakaling pahintulutan umano ng maykapal na siya’y mahalal bilang Pangulo ng bansa.
Babala pa ni Duterte, ang 1,000 katao na sinasabing pinapatay niya sa pamamagitan ng death squad ay magiging 100,000.
Hinimok ni Duterte ang Human Rights Watch na nakabase sa New York na kasuhan siya sa hukuman at haharapin niya ito.
Nagpahiwatig din ang alkalde na kapag walang nailabas na ebidensya ang grupo laban sa kanya ay baka ipatumba niya rin umano ang mga ito.
By Jelbert Perdez