Tumulak na patungong Russia si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang 5 araw na working visit, pasado 9 p.m. kagabi.
Sa kanyang departure speech, sinabi ni Pangulong Duterte na isang magandang pagkakataon ang kaniyang pagbiyahe sa Russia para maipakilala ang independent foreign policy ng bansa.
Gayundin aniya ang pagpapaigting pa ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Russia sa larangan ng defense at security, paglaban sa terorismo at ibang extremist activities at pagtugon sa mga transnational crimes.
Kabilang sa mga aktibidad ng Pangulo ngayong araw ang magkakahiwalay na pulong kina Russian Prime Minister Dmitry Medvedev at Igor Sechin, pinuno ng oil producer na Rosneft.
Sa Huwebes, dadalo naman ang Pangulo sa Valdia discussion club sa Sochi City bilang isa sa mga speaker.
Susundan naman ito ng bilateral meeting kay Russian President Vladimir kung saan inaasahang sasaksihan nila ang paglagda sa ilang mga kasunduang may kaugnayan sa political cooperation, kalusugan, agham at teknolohiya at kultura.
Dadaluhan din ni Pangulong Duterte ang isang business forum sa Moscow habang tatapusin niya ang kanyang biyahe sa Russia sa pakikipagkita sa Filipino community doon.