Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang magtatag ng regional investment and infrastructure coordinating hub sa Central Luzon.
Ayon sa Pangulo, hindi siya pabor sa magiging resulta ng pondong malilikom mula dito.
Base sa nakapaloob sa panukalang batas, pagkakalooban ng tax incentives sa loob ng limampung (50) taon ang ilang rehistradong enterprises at maaari pa itong mapalawig ng mas mahabang panahon.
Ayon sa Pangulo, hindi inaalis ng pamahalaan ang importasya aniya ng paghikayat ng mga mamumuhunan sa bansa ngunit dapat aniyang isipin ang malaking buwis na mawawala sa pamahalaan.
Giit pa ng Pangulo na ang kailangan ng bansa ay isang taxation system na hindi magpapahirapsa sa mga Pilipino at may malilikom na sapat na pondo para sa mga proyekto ng pamahalaan na pakikinabangan ng taumbayan.
(Ulat ni Jopel Pelenio)