Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte pagpapatupad ng lock down sa buong metro manila.
Kasunod ito ng panukala ni House ways and Means committee Chairman Joey Salceda na magkaroon ng lock down sa National Capital Region (NCR) para maibsan ang panganib ng malawakang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Pangulong Duterte, masyado pang maaga para isagawa ito dahil hindi pa aniya ganoon kadami ang nakontamina ng virus.
Malaki aniya ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa lalu na’t mahihirapan na ang pagpasok ng mga pangunahing bilihin at iba pang pangangailangan sa Metro Manila.
There will be a time I suppose I hope not I hope God will have mercy of the Filipino People there might be a time pero this time its too early Hindi ko sinasabi na bakit hihintayin magsakit ag lahat its not that but you have to balance eh wala nang mag pasok ng bigas wala mag pasok ng gasolina e-lockdown mo”
Ani Duterte