Nakatakdang tumulak patungong Batanes si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw matapos itong tamaan ng dalawang malalakas na lindol kahapon
Ayon kay Presidential Spokesman Atty.Salvador Panelo, sasakay ng Commercial Flight ang Pangulo mula Davao City patungong Clark at duon sasakay ng panibagong Eroplano na didiretso sa Basco
Pagdating sa Basco, inaasahang pupulungin ng pangulo ang iba’t ibang grupong tumutugon sa emergency para alamin ang pinakahuling sitwasyon at kung ano pang mga tulong ang kinakailangang ibigay sa mga apektado
Una rito, umaapela si Batanes Gov. Marilou Cayco ng tulong mula sa national Government upang tulungan ang kaniyang mga nasasakupang makabangon muli sa trahedyang kanilang naranasan
Kasalukuyan na ring inaaral ng gubernadora gayundin ng sangguniang panlalawigan ang pagdideklara ng State of Calamity upang mabilis na magamit ang pondo na nakalaan para sa mga kalamidad