Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mabubuksan na ng isip ni Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari para sa pagsisikap na makamit ang kaayusan at kapayapaan sa Mindanao.
Sa kanyang talumpati sa mass oath taking ng mga bagong talagang opisyal sa Malakanyang, binanggit ni pangulong Duterte ang mga banta at balakid sa maayos na transition sa pagpapatupad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM).
Ipinagdarasal din ng pangulo na tanggapin na ni Misuari ang kaparehong kundisyon na inialok ng pamahalaan kay MILF Chairman at BARMM Interim Chief Minister Murad Ebrahim.
Dagdag ni pangulong Duterte, tanging ang BARMM lamang ang tanging paraan para sa pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao ng hindi magkakawatak-watak ang bansa.
Magugunitang tatlong beses nang nagpulong sina pangulong Duterte at Misuari sa Malakanyang.