Hindi pa rin natitibag sa unang pwesto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakabagong Pulse Asia survey na kinomisyon ng ABS-CBN sa 4,000 respondents noong April 26 hanggang 29.
Numero uno pa rin si Duterte na nakakuha ng 33 percent, 11 puntos ang lamang ni Duterte kay administration bet Mar Roxas na pumangalawa sa 22 percent.
Nakakuha naman ng 21 percent si Senator Grace Poe mula sa 22 percent noong nakaraang survey na sinundan ni Vice President Jejomar Binay na may 17 percent.
Samantala, naungusan na ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa pagka-bise presidente si Senador Bongbong Marcos.
Umangat ng 30 percent ang rating ni Robredo kumpara sa 28 percent ni Marcos o statistically tied.
Pangatlo sina Senators Francis Escudero, 18 percent, Alan Peter Cayetano, 15 percent, Antonio Trillanes, 3 percent at Gringo Honasan, 2 percent.
By Drew Nacino | Mariboy Ysibido