Nangunguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakahuling Business World-Social Weather Stations presidential survey isang linggo bago ang halalan.
Hindi natinag sa unang pwesto si Duterte na may 33 percent.
Pumangalawa naman sa kanya si Senadora Grace Poe na nakakuha ng 22 percent mas mababa ng dalawang puntos mula sa dating rating nito.
Statistical tie si Poe at LP standard bearer Mar Roxas na nakakuha ng 20 percent.
Nananatili naman sa pang-apat na pwesto si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 13 percent mas mababa ng isang puntos sa dating rating nito.
Nananatili naman sa 2 percent si Senadora Miriam Defensor Santiago.
Ginawa ang survey mula May 1 hanggang May 3 sa 4,500 registered voters na may margin of error na +- 1 point.
By Mariboy Ysibido