Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na siya pipirma ng mga appointment o pag-apruba ng malalaking proyekto sa nalalabing bahagi ng kanyang termino.
Ayon sa punong ehekutibo, ilang buwan bago siya bumaba sa pwesto ay mayroong mga indibidwal at entity ay pumipila para humingi sa kanya ng pabor.
Sinabi ng pangulo na kabilang sa mga malalaking proyekto na hindi na maaaprubahan sa kanyang termino ay ang mga panukala para sa reclamation ng manila bay ng pribadong sektor.
Mababatid na nakatakda nang matapos ang termino ni Duterte sa Hunyo 30.
Samantala ito ay alinsunod sa Executive Order no. 2, series of 2010, kung saan nakasaad na dalawang buwan bago ang eleksiyon ay ipinagbabawal nang gumawa ng bagong appointments ang pangulo. – sa panulat ni Mara Valle