Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ang susunod na magiging Presidente ng Pilipinas ay marunong pumatay at hindi takot mamatay.
Sa kaniyang talumpati sa mass oath taking ng mga bagong talagang opisyal, sinabi ng Pangulo na wala pang nakakapasa sa kaniyang panlasa para maging susunod na Presidente ng bansa.
Ayon sa Pangulo kapag hindi marunong pumatay ang isang pulitiko ay puro utos lamang ang gagawin nito kaya’t wala umanong mangyayari sa bansa.
We’re getting old and the young are there. Wala pa’kong nakita na new crop of politicians dito sa ating bayan. Frankly, wala akong nakita. Alam mo sa totoo lang, Presidente ka kapag ‘di ka marunong pumatay at takot ka mamatay, wag ka na mag-Presidente. Walang mangyari sa’yo, walang mangyari sa bayan kung puro utos ka lang in the end ikaw pa yung kontrabida,” ani Duterte.