Wala pa ring napipisil na bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, ilang araw matapos ang pormal na pagreretiro ni dating PNP chief General Oscar Albayalde.
Ayon kay Panelo, natatagalan ang pangulo sa pagpili ng magiging susunod na PNP chief dahil masusi aniya ang ginagawa nitong pagkilatis sa mga pinagpipilian para sa posisyon.
Iginiit ni Panelo, hindi dapat pangunahan ang magiging desisyon ng pangulo at hayaan na lamang itong makapamili.
Samantala, ipinagkibit balikat lamang ni Panelo ang pahayag ni PNP spokesman Brig. General Bernard Banac na may malaking epekto sa mga malalaking proyekto ng pambansang pulisya ang kawalan nito ng permanenteng pinuno.