Wala pang ibinababang direktiba ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa Dept. of Agriculture na suspindihin ang pag import ng bigas sa panahon ng anihan.
Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, 2 araw matapos sabihin ng Pangulo sa isang panayam na ipatitigil nya ang pag import ng bigas.
Una nang sinabi ng Pangulo na mas dapat nang tutukan ngayon ng pamahalaan ang pagbili ng lokal na ani ng mga magsasaka.
Sa isang hiwalay na panayam, nag sorry ang Pangulo sa mga magsasaka.
Matatandaan na mula nang ipatupad ang rice tarification law ay bumagsak na ang presyo ng palay.