Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na i-endorso si Senate President Vicente Sotto III sa pagtakbo nito bilang Vice President sa 2022 elections.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa tingin niya ay estima lamang ang ginawa ni Pangulong Duterte kay Senate President dahil nagkita sila kahapon sa SONA.
Ani Roque, hinihikayat lang ng Pangulo si Sotto na tumakbo o ipagpatuloy ang kaniyang mga plano sa pulitika lalo’t mahalaga ang demokrasya sa bansa kung saan magandang mayroong pagpipilian ang taumbayan.
Una rito, inihayag na ni Sotto ang kaniyang planong pagtakbo bilang Vice President sa 2022 elections kung saan ka-tandem nito si Sen. Panfilo Lacson bilang Presidential bet.