Walang balak ang Pangulong Rodrigo Duterte na sabayan ang imbestigasyon ng Kongreso hinggil sa polisiya at mga manggagawa sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Sinabi ng pangulo na hihintayin muna niyang maging klaro ang sitwasyon bago niya simulang pag-aralan o paimbestigahan ang usapin.
Ilan sa mga isyung kinasasangkutan ng POGO workers ay prostitusyon, pagiging illegal worker, hindi pagbabayad ng tamang buwis, magagaspang na pag-uugali ng mga Chinese at iba pa.