Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang kurapsyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Ito ay sa kabila ng mga lumabas na ebidensiya hinggil sa pagkakaugnay ng pogo sa ilang mga iligal na aktibidad tulad ng human trafficking, illegal recruitment, kidnapping, sexual harrasment at hindi tamang pagbabayad ng buwis.
Ayon kay pangulong duterte, tanging ang Philippine Amusement And Gaming Corporation (PAGCOR) lamang ang kanilang kausap dito.
Pagtitiyak ng pangulo, all accounted ng PAGCOR ang lahat aniya ng kinikita ng pamahalaan mula sa POGO.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, maaari ding gamitin bilang pondo para sa paglaban ng coronavirus disease 2019 COVID-19 ang kita mula rito.
Ang tanging ano ko lang diyan is the money saying eh makatulong sa kagaya ito na mga ganito so 2 billion answered agad we have the money bat kung sabihin mo isa dito sa amin.. Ewan ko sa mga pulis bantay kayo sakin pero sabihin ko dito we don’t even allow them to visit us here in Malaca ñan ung mga businessman sa POGO,” ani Duterte.