Walang intensyon si Pangulong Rodrigo Duterte na bastusin si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev nang magsuot ng hindi maayos na necktie sa kanilang bilateral meeting sa Moscow, Russia.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi nagmukhang unkempt o hindi mapakali ang pangulo sa paglalarawan ni Pavel Vondra na editor ng Czech Radio Plus sa Prague na mistulang naglasing magdamag at kagagaling lamang sa pub ng punong ehekutibo.
Sinadya aniya ng pangulo na bahagyang luwagan ang kaniyang necktie dahil hindi siya kumportable rito at nasasakal.
Ayon pa kay Panelo, pinipili ng pangulo ang pagsusuot ng damit kung saan siya kumportable at hindi para magpakitang gilas sa porma.
Iginiit ni Panelo na very hygienic at mabango ang pangulo tulad ng obserbasyon ng ilang tao na nakakalapit sa kaniya.