Nilinaw ng Joint Task Force COVID-19 na wala pang ipinag-uutos ang Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law type law enforcement sa enhanced community quarantine.
Gayunman, ayon kay Lt. General Guillermo Eleazar, hepe ng Joint Task Force, handa ang puwersa ng PNP at maging ng AFP na ipatupad ito sakaling ipag-utos ng Pangulo.
Sinabi ni Eleazar na mas mahigpit lang ang pagpapatupad nila sa mga panuntunan ng ECQ dahil sa dami ng mga paglabag na nangyari pagkatapos ng holy week.
Ito naman masasabi natin na just strictly enforcing the guidelines, hindi naman ‘to martial law pero sinasabi nga ng ating Pangulo sa kanyang frustration na kung hindi pa rin susunod ang ating mga kababayan, may makikita na iilan-ilan na may nagsasabong, ginagamit yung mga financial assistance na nakuha nila, sabi niya dapat dyan lalo pang tindihan ng PNP at AFP itong gagawin nilang pagpapatupad na parang ala martial law,” — mula sa panayam ng Ratsada Balita.