Wala pang plano ang Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa Amerika.
Ito ayon sa Pangulo ay dahil hindi siya sigurado kung handa na ang amerika sa kaniyang pagbisita.
Tila pinaghuhugutan pa rin ng Pangulo ang pagharang ni US Senator Ben Cardin, chairman ng US senate foreign relations committee sa planong pagbebenta ng US government ng dalawampu’t anim na libong assault rifle sa Pilipinas.
Nababahala si Cardin sa nagaganap na aniya’y paglabag sa karapatang pantao sa bansa dahil sa pinaigting na kampanya ng Pangulong Duterte kontra iligal na droga.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya nagustuhan ang pahayag ng senador na gagamitin ang mga baril sa extra judicial killings.
Bukod dito nadismaya rin ang Pangulo sa pagtanggi ng Canada na magbenta ng labing anim na bell helicopter sa Pilipinas sa dahil sa kondisyon na hindi maaaring gamitin ang naturang sasakyang panghimpapawid sa combat operations.