Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara pang muli ng tigil putukan sa kilusang komunista.
Inihayag ito mismo ng Pangulo makaraang bumisita at tingnan ang sitwasyon ng mga sundalo sa kampo ng 8th Infantry Division sa Catbalogan, Samar kahapon.
Sinabi ng Pangulo na hahayaan niyang mag-usap ang pamahalaan at ang rebeldeng komunista kung tatalakayin dito ang tigil-putukan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Kasunod nito, nakiusap ang Pangulo sa mga rebelde na huwag gumamit ng mga landmines dahil sa hindi lamang ang mga sundalo ang nadadamay kundi maging ang mga inosenteng sibilyan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)