Malaki ang posibilidad na hindi tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon ni United States President Donald Trump na pagbisita sa White House.
Ito ang pahayag ng palasyo ng Malacañang hinggil sa imbitasyon ni Trump.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sinabi ng pangulo na wala siyang planong pumunta ng U.S. kahit noong simula pa lamang.
Aniya, nakatakda siyang sumagot sa naturang imbitasyon at maaaring tanggihan niya ito.
Magugunitang ilang beses nang inimbitahan ni Trump si Pangulong Duterte na bumisita sa Estados Unidos.