Wala umanong plano ang Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin ang imbitasyon ni U.S. President Donald Trump na dumalo ito sa U.S. Asean Summit.
Mismong ang Pangulo ang nagpahayag na hindi sya magtutungo sa U.S sa panayam sa kanya ng RT isang media outlet na pag aari ng pamahalaan ng Russia.
Kasabay ng negatibong sagot nang tanungin kung magtutungo sya sa U.S. naglitanya ang Pangulo ng kanyang mga sentimiyento hinggil sa naging posisyon ni dating U.S. President Barrack Obama at administrasyon nito sa war on drugs sa Pilipinas.
Ayon sa Pangulo dapat ay naisip ni Obama na ang kanyang binabatikos ay Pangulo ng isang malayang bansa.
Kaya sa halip na kastiguhin sya sa isang presscon dapat ay inireklamo na lamang sya ni Obama sa United Nations.