Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang sasantuhing opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na mapapatunayang sangkot sa katiwalian at anomalya sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Ito’y sa gitna ng imbestigasyon ng Senado kaugnay sa nabunyag na anomalya sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon sa pangulo wala siyang ititirang opisyal na mapapatunayang guilty sa mga katiwalian sa BuCor.
Nilinaw ng punong ehekutibo na hindi masisibak ang mga ito dahil sa implementasyon ng GCTA kundi dahil ginagamit ang naturang batas para pagkakitaan ng mga opisyal.
Wala sa akin iyan, if it is done in good faith, hindi kita anuhin. Pero kung sabihin mo na bayaran, that is another story. I will hit you not because the law was in the limbo, but because of corruption, — Pangulong Rodrigo Duterte
Dagdag pa ng pangulo, kung may problema sa GCTA, yun ay ang hindi pagtukoy kung sino talaga ang dapat na pumirma sa mga papalayaing preso.
Ang problema ng batas na ‘yan, wala talagang batas na nagsabi kung sino (Pumirma ng GCTA). That’s the greatest hiatus of them all. So the guy took upon themselves to arrogate the power and started a practice which has continued,” dagdag pa ng pangulo.