Sinaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang paglagda sa anim na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.
Ito ay kasabay ng bilateral meeting ng dalawang lider sa Beijing na layuning mas palakasin at patatagin ang relasyon ng Pilipinas at China sa kabila ng kinaharap na mga pagsubok.
Kabilang sa mga nilagdaang memorandum of agreement ay ang cooperation sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng edukasyon, teknolohiya, finance at customs.
Samantala sa opening statement ni Xi, kanyang sinabi na nagagalak siyang muling makita at patuloy na makatrabaho ang kanyang kaibigan na si Pangulong Duterte.