Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na maging matalino sa pagboto sa 2019 midterm elections.
Sa kaniyang talumpati sa 44th Philippine Business Conference and Expo sa Manila Hotel, binalaan ni Pangulong Duterte ang publiko laban sa mga pulitikong umaabuso sa kanilang kapangyarihan.
“You choose your candidates wisely. Kayo, kayong Pilipino, alam ninyo ’yan. Kung bigyan kayo na sabihin ah because ito mahusay magdaldal. And they are there just to wallow in their lost sense of pride.” Pahayag ni Duterte.
Sinabi pa ng pangulo na mayroong mga kilalang pulitiko na ginagamit ang kanilang posisyon upang manghiya ng ibang opisyal sa mga isinasagawang pagdinig sa Senado at Kongreso.
Gaya umano ng nangyari kay dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go matapos itong isangkot sa navy frigate deal gayundin ang sinapit na panggigisa sa mga pagdinig na dinaluhan ni dating PNP Chief Director Ronald “Bato” Dela Rosa, kaniyang anak na si dating Vice Mayor Paolo Duterte.
“O ‘di nakita mo ngayon si Bong Go senador na. O totoo he will win. Kita mo how fate play – destiny of men are played. Hindi kilala yan mas kilala yung nagpatawag sa kaniya. O tingan mo ngayon he weighed the scales all their character.” Ani ni Duterte.