May malisya ang presensya ng Duterte supporters sa paggunita ng EDSA People Power One sa People Power Monument.
Iginiit ito ng singer na si Jim Paredes na nagsabi ring naroon ang Duterte Youth Group para mag provoke o mang inis sa kanilang paggunita sa EDSA Uno.
Sinabi ni Paredes na ang kinumpronta nyang Pangulo ng grupo na si Ronald Cardema ay hindi lamang isang ordinaryong nais makilahok sa paggunita kundi may interes ito o malisya sa pagtungo sa People Power Monument.
Dahil sa komprontasyon, si Paredes naman ay binatikos ng mga kapwa niya singer na maka Duterte.
By Judith Larino
Photo Credit: Jim Paredes Twitter Account