Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) first division ang nominasyon ni Duterte Youth party-list Rep. Ronald Cardema.
Ito ay dahil sa isyu ng misrepresentation matapos masilip ang edad ni Cardema.
Ayon sa COMELEC, malinaw na limitado lamang mula 25 hanggang 30-anyos ang pwedeng maging kinatawan ng youth sector sa kongreso.
Ngunit lumitaw anila sa records ng COMELEC na 34-anyos na si Cardema.
Ikinatwiran naman ni Cardema na ang Duterte Youth ay kumakatawan hindi lamang sa mga kabataan kundi pati sa mga young professionals.