Sumakabilang-buhay na ang DWIZ Anchor na si Msgr. Sabino Vengco sa edad na 78.
Batay sa Facebook post ng Fr. Yulito Ignacio, pumanaw ang kaibigang Pari sa Cardinal Santos Medical Center.
Alas-10:30 ng umaga ng Lunes, ika-17 ng Mayo nang isugod sa ICU (intensive care unit) si Msgr. Vengco matapos itong mahirapan sa paghinga at siya’y isinailalim sa intubation.
Subalit alas-2 ng hapon nang kaparehong araw nang ideklara ng mga doktor na sumakabilang buhay na si Msgr. Vengco.
Si Msgr. Vengco ay tubong Hagonoy, Bulacan, kilalang propesor sa Theolohiya at founder ng Kadiwa sa Pagkapari Foundation.
Kolumnista rin si Msgr. Vengco sa Business Mirror at Anchor ng programang Ecclesia in Asia – Ang Salita ng Diyos sa DWIZ tuwing araw ng Linggo, alas-5 hanggang alas-6 ng umaga.