Hindi pa tiyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung kailan maisasaayos ang mga nasirang tahanan ng mga residente ng lalawigang naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, prayoridad umano nila ang pamamahagi ng supply ng tubig at pagkain.
Sa ngayon, aabot na sa 36 na milyong pisong halaga ng pagkain ang naipapamahagi ng DSWD.
Naiintindihan umano ng DSWD ang mga sentimyento, kung saan marami ang dumadaing ng tulong pinansyal.
Giit ni Dumlao maraming tindahan ang sarado at sinira ng bagyo kaya’t hindi pa umano magagamit ng residente ang pera.
Ito’y matapos magbitaw ng pahayag si Bohol Governor Arthur Yap patungkol sa hindi umano pagbibigay pansin ng DSWD sa apela nitong financial assistance. —sa panulat ni Joana Luna