Pumirma muli ng 20 million US dollar contract para sa isang taon ang shooting guard ng Miami Heat na si Dwayne Wade.
Sinabi ni Henry Thomas, agent ni Wade na ang naturang kontrata ay maituturing na win-win solution dahil 2003 pa ay naglalaro na sa Heat si Wade.
Ang nasabing report ay taliwas sa naunang lumutang na lilipat si Wade sa Los Angeles Lakers para palitan si Kobe Bryant na nakatakda na umanong mag-retiro sa susunod na taon.
By Judith Larino