Ipinagbabawal na ang paggamit ng mga E-bikes, E-trikes, at iba pang electric motor vehicle sa mga pangunahing kalsada sa National Capital Region simula sa Abril.
Ito’y matapos aprubahan ng Metro Manila Council ang isang resolusyon kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng mga E-vehicle, tricycle, pedicabs, pushcarts, at kuliglig sa mga National Road.
Kabilang sa mga kalsada ang:
Recto avenue
Araneta avenue
Roxas boulevard
Ortigas avenue
At shaw boulevard
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Acting Chair Don Artes, ang mga lalabag sa panuntunan ay pagmumultahin ng PHP 2,500.
Dagdag pa ng MMDA Official, na kailangan na ring magkaroon ng lisensya ang mga driver ng e-vehicle at e-trike.
Kung walang driver liscense anya ay ma-iimpound ang sasakyan.