Ipagbabawal na simula 15 ng Abril ang E-bikes, E-trikes, at tricycle sa mga pangunahing kalsada sa National Capital Region.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), epektibo ang prohibisyon sa Roxas Boulevard, Taft Avenue, Southern Luzon Expressway (SLEX) , Shaw Boulevard, Ortigas Avenue at Magsaysay Boulevard o Aurora Boulevard.
Hindi na rin papayagan ang pagdaan ng mga E-bikes, E-trikes, at tricycle sa Quezon Avenue o Commonwealth Avenue, A. Bonifacio Avenue, Rizal Avenue, Del Pan o Marcos Highway at Mcarthur Highway.
Gayundin sa Recto Avenue, president Quirino Avenue, Araneta Avenue, Epifanio Delos Santos Avenue, Katipunan o Carlos P. Garcia, Southeast Metro Manila Expressway, Elliptical Road, at Mindanao Avenue. – sa panunulat ni Laica Cuevas