Muling nanindigan ang Department of Health (DOH) na mapanganib sa kalusugan ang paggamit ng e-cigarettes o vape.
Ginamit ng ahensya ang kanilang facebook page para ipahayag ang opinion ng iba’t-ibang international health authorities hinggil dito.
Anila, maraming national at international health authorities ang hindi suportado ang pahayag na mas kaunti ang pinsala ng mga vapes at iba pang heated tobacco products.
Kabilang din ang World Health Organization (WHO) sa mga hindi sang ayon sa umanoy “reduced harm” ng mga naturang produkto.
Matatandaang una nang ipinagbawal ng DOH ang paggamit ng electronic cigarettes sa mga pampublikong lugar sa bansa.