Umarangkada na ang “electronic dalaw and livelihood program in tailoring” sa Pasay City jail male dormitory.
Ayon kay BJMP-NCR Dir. Ignacio Panti, layon ng programa na mabigyan ng pagkakataon na magbago sa loob ng kulungan ang mga inmates sa pamamagitan ng pag-aaral at paghahanap buhay.
Bukod sa mga sewing machine ay pinagkalooban din ang mga preso ng pugon para makapaghanap buhay ng panaderya.
Naglagay din ng pitong unit ng computer sa nasabing piitan. Para magkaroon din ng tyansa ang mga bilanggo na makausap ang mga mahal nila sa buhay na nasa malayong lugar.