Patuloy ang e-dalaw o online visits sa mga kulungan sa bansa.
Ito’y dahil ipinagbabawal pa rin ang pisikal na pagdalaw sa mga nasa kulungan dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Chiej Insp. Xavier Sold, hindi lamang ang kalusugan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang kanilang iniingatan kundi maging ang kanilang mga tauhan kaya’t mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols sa mga bilangguan.
Nangangamba rin umano ang mga bilanggo sa kaligtasan ng kanilang pamilya kaya pabor naman ang mga ito na mas makakabuting manatili na lamang ang kanilang mga mahal sa buhay sa bahay sa halip na sila ay puntahan pa sa kulungan.
Aabot sa1,998 ang kaso ng COVID-19 na naitala ng BJMP simula Marso 38 lamang ang aktibo rito.