Isinusulong ni Senadora Grace Poe sa Senado ang panukalang gawing institutional ang pagbibigay serbisyo ng pamahalaan online.
Ito’y bilang pagsunod na rin ng pamahalaan sa hinihingi ng pagkakataon bunsod ng pandemya sa COVID-19.
Nakasaad sa Senate Bill 1683 o E-Government Act of 2020, inaatasan nito ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na gawing online ang transaksyon upang hindi na kakailanganin pa ang pisikal na pagpunta ng mga nagnanais kumuha ng serbisyo.
Dahil dito, kinakailangan ani Poe na palakasin pa ng pamahalaan ang wireless capability tulad ng internet service sa bansa upang madali na para sa mga Pilipino ang makipagtransaksyon sa pamahalaan.