Lusot na sa house committee on information and communications technology ang House Bill 1248 o ang E-government act.
Layon ng naturang panukala na gawing electronic ang lahat ng serbisyo at transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.
Inaasahan din na sa ilalim nito ay mas mapapaigi ang ease of doing business ng bansa at para masunod na rin ang new normal.
Kaugnay nito, ang Department of Information and Communications Technology (DICT) naman ang responsableng magtatag ng isang e-government master plan na isailalim sa review kada tatlong taon.