Ilulunsad ang e-Passport Booklet sa susunod na buwan, ayon ito sa APO Production Unit, ang partner Agency ng Department of Foreign Affairs sa paggawa ng passport.
Sa pagbisita ng media sa APO Manufacturing sa Batangas, sinabi ng pamunuan nito na magdedeliver sila ng personalized e-passport sa DFA sa pamamagitan ng bagong e-Passport System na tiyak na otomatiko.
Ilan sa mga napaghusay sa ilalim ng bagong sistema ang pag-ikli ng proseso ng passport mula 14 na araw sa 10 Araw para sa regular processing habang 5 hanggang 7 araw para sa expressed processing.
Nagtataglay rin ng bagong disenyo ang e-Passport na nagpapakita ng kultura at kinagisnan ng Pilipinas.
Mayroon ding pinaghusay na Security Features ang e-Passport bilang pagtalima sa standards ng International Civil Aviation Organization
By: Avee Devierte