Inilunsad ng Department of Foreign Affairs o DFA ang una nitong Philippine E-passport Renewal Center (PAPRC) sa Los Angeles upang gawing mas madali ang consular services sa mga overseas Filipinos.
Pinangunahan ito nina Foreign Affairs Secretary Teodor Locsin Jr., consular affairs Brigido Dulay at Consul General Edgar Badajos.
Ayon sa DFA gagamit ng mga bagong pamamaraan ang Philippine Consulte General sa nasabing bansa upang dagdagan ang kapasidad, partikular sa passport renewal upang makapaghatid ng magandang serbisyo sa mga Pinoy.
Samantala, bukas ang PAPRC nang mas mahabang oras tuwing Sabado at Linggo.—mula sa panulat ni Airiam Sancho